Pagbibigay ng temporary licenses sa mga nursing grads na hindi nakapasa sa board exam, dapat may kaakibat na kondisyon

Suportado ni KABAYAN Party-list Representative Ron Salo, ang isinusulong ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na bigyan ng pansamantalang lisensya ang mga nursing board takers na nakakuha ng score na 70% to 74%.

Kumbinsido si Salo na makakatugon ito sa kakulangan ng mga nurse sa mga government hospitals.

Pero giit ni Salo, dapat magkaroon muna ng mga kondisyon bago pagkalooban ng temporary licenses ang mga non-board passers.


Pangunahin sa kondisyong binanggit ni Salo, masigurong may kakapusan ng qualified board passers bago i-hire at bigyan ng pansamantalang lisensya ang mga di nakapasa sa pagsusulit.

Giit pa ni Salo, kahit may temporary license na ay kailangan pa rin nila kumuha muli at pumasa sa board exams.

Facebook Comments