Pagbibigay ng tulong legal sa mga OFW, tinututukan ng DMW

Nakatutok ngayon ang gobyerno sa kalidad ng serbisyong legal na ipinagkakaloob sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Usec. Hans Leo Cacdac, pinasisiguro rin ni DMW Sec. Susan ‘Toots’ Ople na walang gagastusin ang mga OFW na nangangailangan ng tulong na legal.

Ang pahayag ay ginawa ni Cacdac matapos kwestyunin sa Senado ang zero acquittal sa mga Pilipinong nahaharap sa iba’t ibang kaso sa ibang bansa, mula Enero hanggang Hunyo nitong nakaraang taon.


Matatandaang una nang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kahit walang naipanalong kaso nang nakaraang taon ay hindi ibig sabihin na walang natulungan.

Sinabi pa ni Cacdac na pinag-uusapan na ngayon ng DMW at DFA ang turn over ng legal cases.

Kabilang anya sa tiningnan ang training o pagsasanay sa paghawak ng mga kaso ng OFWs.

Facebook Comments