Pagbibigay ng tulong sa Buldon , nagpapatuloy!

Nagpapatuloy ang ginagawang inisyatiba ng Local Government Unit ng Buldon sa pangunguna ni Mayor Abolais Aratuc Manalao katuwang ang mga Frontliners ng bayan para makapagpaabot ng tulong sa lahat ng sector ng 15 baranggay ng bayan.

Ngayong araw, tinatayang nasa isang daang mga person with disability ang napagkalooban ng ayuda ng LGU.

Isinagawa ang relief distribution sa mismong Gym ng Buldon. Naging kasama ng LGU ang mga elemento ng Marines at PNP.


Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga residenteng may kapansanan na nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Kaugnay nito, bukod sa PWD, nauna na ring nabigyan ng tulong ang mga taga Religious Sector, Trnasport Sector at ilang beses na ring nakagpaabot ng tulong ang LGU sa lahat ng mga residente ng bayan.

Samantala muli namang nagpulong ngayong araw ang mga myembro ng Inter Agency Task Force ng bayan at kabilang sa mga napag-uasapan ang ilang guidelines kasabay ng implementasyon ng “New Normal” sa bayan.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments