Bagama’t nakalabas na ng bansa ang Bagyong Pepito, tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuloy-tuloy lamang ang pag-aabot ng tulong ng pamahalaan sa mga hinagupit ng magkakasunod na bagyo.
Ayon sa pangulo, walang deadline ang pamamahagi ng tulong ng gobyerno kaya hangga’t nangangailangan pa ng tulong ang mga ito ay maaasahan ng mga Pilipino ang pamahalaan.
Hindi rin aniya pababayaan ng gobyerno ang mga pamilya na wala sa evacuation centers, ngunit nakikituloy muna sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Tiniyak din ng pangulo na kaagad aayusin ang daan-daang bahay na winasak ng bagyo.
Prayoridad din umano ang pagsasaayos sa telecommunications para sa libreng telepono at internet, at sisikapin na ring maibalik ang suplay ng kuryente.
Facebook Comments