Pagbibigay ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa ilang lungsod sa NCR, itinigil muna

Pansamantalang itinigil ng ilang lungsod sa Metro Manila ang pagbabakuna ng unang dose ng COVID-19 vaccine dahil sa limitadong suplay nito.

Kabilang dito ang Makati, Muntinlupa, Parañaque, Valenzuela, Las Piñas, Maynila, at Malabon.

Ayon kay Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang pansamantalang pagpapahinto sa pagbibigay ng unang dose ng bakuna ay bunsod ng kakulangan ng supply.


Aniya, kapag dumating na ang mga ito ay agad na ipagpapatuloy ang pagbibigay ng unang dose ng vaccine sa mga residente ng mga lungsod.

Paliwanag pa ni Olivarez, ang tanging binabakunahan lamang sa ngayon ay ang mga tatanggap na ng ikalawang dose gayundin ang mga hindi nakarating sa kanilang schedule.

Facebook Comments