Pagbibigay ng visa na hindi dumaan sa tamang proseso, hindi kinukunsinti ng DFA

Hindi kinukunsinti ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang anumang uri ng pagbibigay ng mga permit o visa sa gitna ng mga iniulat na aktibidad sa ahensya.

Ayon sa DFA, wala silang pinapalagpas na na maling gawain o katiwalian patungkol sa kanilang visa at consular services sa Philippine Foreign Service Post.

Anila, sa halip ay sila sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo publiko at pagbutihin ang kanilang mga trababo sa konsulado.


Itinanggi rin ng DFA ang umano’y mga alegasyon ng extortion at iba pang illicit activities sa kanilang mga visa.

Mayroon kasing mga kumalat na isyu na mayroong extortion na ginawa ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa ilang mga dayuhan.

Kabilang na rito ang pag-check sa mga natatanggap nilang report o reklamo.

Upang matiyak ang seguridad sa pag-isyu ng entry visa, tiniyak ng DFA na nakikipag-ugnayan na sila sa mga Foreign Service Posts at mga stakeholder sa sektor ng turismo.

Facebook Comments