Amerika – Dahil sa banta sa seguridad sa Amerika, nagpatupad ng travel restrictions si US President Donald Trump laban sa walong mga bansa, epektibo sa October 18.
Kabilang sa pinatawan ng travel restrictions ang North Korea, Chad, Iran, Libya, Somalia, Syria, Venezuela at Yemen.
Sa proclamation na nilagdaan ni Trump, bawal na ang pagbibigay ng visa sa lahat ng magmumula sa North Korea, Syria at Venezuela.
Habang mga students at exchange visitors lang ang mabibigyan ng visa sa Iran.
Suspendido rin ang pag-iisyu ng immigrant, business at tourist visas sa mga galing sa Chad, Libya at Yemen.
Facebook Comments