Pagbibigay, pagdarasal at pag-aayuno, panawagan ni Cardinal Tagle sa mga mananampalataya

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga mananampalataya na mag “travel light” ngayong panahon ng Kwaresma.

Ayon kay Tagle ang panahon na ito ay panahon ng isang paglalakbay kasama si Hesus na siyang nag pakita ng pagmamahal sa Diyos Ama at sa lahat ng mananampalataya hanggang sa dulo ng kanyang buhay.

Paliwanag ng Cardinal ang pag-travel light o yung pagbiyahe ng konti ang dala ay nangangahulugan ng pagbahagi sa kapwa kung anong meron ka.


Pwede ito sa pamamagitan ng, Act of Justice Charity, pag-aalaga sa kapwa, pagpapakain sa mga nagugutom nating kapitbahay at pag-aayuno o fasting.

Maari din nating ipanalangin sa Diyos ang ating mga hinanakit na dinadala na may paniniwala at pag-asa.
Sa pamamagitan aniya ng pagbibigay sa kapwa, pag-aayuno at pag-darasal ay matutulungan tayong maiwanan ang mga bagahe na atin aniyang dinadala at mas magiging magaan ang biyahe kasama si Hesus ngayong Lenten Season.

Facebook Comments