Pagbibigay proteksyon sa mga anak ng OFWs na naiwan sa Pilipinas, isinulong sa Kamara

Pinabibigyan ni OFW Party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino ng proteksyon ang anak ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na naiwan dito sa Pilipinas habang sila’y nagta-trabaho sa abroad.

Ang layunin ni Magsino na tiyaking hindi mapapabayaan ang mga anak ng mga OFW ay nakapaloob sa ininihain niyang House Bill 8560.

Base sa panukala, ang isang solo-parent, mag-asawa, o live-in partner na parehong aalis ng bansa para magtrabaho abroad ay magbibigay ng dokumento na nagsasaad sa kung sino ang mag-aalaga sa kanilang anak o mga anak.


Inaatasan din ng panukala ang Department of Social Welfare and Development at mga opisyal ng barangay na bisitahin ang mga anak upang matiyak na sila ay naaalagaang mabuti.

Ang hakbang ni Magsino ay tugon sa ilang kaso ng kapahamakan o krimen na ginawa sa ilang anak ng OFWs.

Halimbawa nito ang apat na anak ng isang Filipina na nagtatrabaho sa Saudi Arabia na nasawi noong Marso matapos pagsasaksakin ng kanyang live-in partner na nagpakamatay rin.

Halimbawa rin nito ang dalawang anak ng isang OFW sa middle east na pinatay at ginahasa noong November 2022 ng kanyang boyfriend.

Facebook Comments