Tiniyak ng Kamara ang pagapruba sa panukala na magbibigay prayoridad sa kapakanan at proteksyon ng mga caregivers.
Ito ay matapos na makalusot sa House Committee on Labor ang inihaing apat na panukala patungkol sa welfare and protection ng mga caregivers.
Bumuo na rin ng technical working group para pagisahin ang mga panukala.
Sa ilalim ng panukalang batas, kinikilala nito ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga caregivers sa national development ng bansa.
Nakasaad ang pagkakaroon ng mahigpit na polisiya sa mga private employment agencies (PEA) na nagha-hire ng mga caregivers sa pamamagitan ng paglilisensya at pag-regulate sa mga ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang matiyak na ligtas at legal ang pinapasukang trabaho ng mga caregivers.
Gayundin ay pinatitiyak na makakatanggap ng tamang sahod at nararapat na benepisyo ang mga ito.
Ipinasasailalim din sa pre-employment orientation ang mga caregivers at mga employers gayundin ang pagkakaroon ng kontrata upang malinaw ang karapatan at responsibilidad sa bawat isa.