Pagbibigay proteksyon sa mga foreign nationals na biktima rin ng krimen ng POGO, iginiit ng isang senadora

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na hindi ang mga POGO workers ang kalaban sa paglaganap ng krimen na kinasangkutan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ang reaksyon ng senadora sa plano ng Department of Justice (DOJ) na simulan ang deportation ng mga POGO workers sa katapusan ng Setyembre o sa unang linggo ng Oktubre.

Binigyang diin ni Hontiveros na hindi ang mga manggagawa sa POGO kundi ang mga sindikato ang tunay na kalaban ng pamahalaan sa paglaganap ngayon ng krimen.


Aniya, maliban sa mga Pilipinong manggagawa ay biktima rin ng mga pangaabuso ang ibang lahi na nagtatrabaho sa POGO.

Tinukoy ni Hontiveros na salig sa “Expanded Anti Trafficking Act of 2022”, kasama sa ginagarantiya ng batas ang pagbibigay proteksyon sa mga trafficked foreign nationals.

Kabilang sa proteksyon at serbisyo na ibinibigay ng batas sa mga inabusong dayuhang ang pagkakaroon ng interpreter at pakikipagugnayan sa kanilang mga embahada na nasa bansa.

Facebook Comments