Pagbibigay proteksyon sa mga VIP ng POGO, ipinatitigil na sa PNP

Simula bukas ay ititigil na ng mga pulis ang pagbibigay ng proteksyon sa mga opisyal o VIP ng POGO Philippine Offshore Gaming Operators.

Sa budget hearing ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Senado, kinuwestiyon ng mga senador ang Philippine National Police (PNP) Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) tungkol sa deployment ng mga tauhan sa mga dayuhang may kaugnayan sa POGO.

Sa pagdinig ay inutusan na ni DILG Sec. Benhur Abalos si PNP Chief Rodolfo Azurin, na pahintuin na ang PNP-PSPG sa pagbibigay ng seguridad sa mga opisyal ng POGO.


Binigyang direktiba rin ni Abalos si Azurin na kasuhan at disiplinahin ang mga pulis na nagsisilbing bodyguard sa mga POGO officials.

Dagdag pa ni Abalos, ang mga susuway na pulis ay mahaharap sa kaukulang sanction.

Giit ng kalihim, ang pamahalaan ang nagpapasweldo sa mga pulis kaya ang publiko muna dapat ang kanilang unang sine-secure bago ang mga opisyal ng POGO.

Facebook Comments