PAGBIBIGAY PUGAY | Mga bagong promote na opisyal ng AFP, nag courtesy call kay AFP Chief Benjamin Madrigal

Manila, Philippines – Nagsagawa ng courtesy call ang mga bagong promote na Generals at Flag Officers ng AFP kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Benjamin Madrigal ngayong tanghali.

Ang tradisyonal na pagbibigay pugay ng mga senior Officers ng AFP, kasama ang kanilang mga May-bahay, sa bagong Chief of Staff ay isinagawa sa commissioned officers club sa camp Aguinaldo.

Ito ay matapos na pormal na maupo sa pwesto bilang Ika-51 pinuno ng AFP si Madrigal noong Martes.


Ang mga bagong-promote na opisyal ay unang nagsagawa ng mass-oathtaking sa harap general Madrigal, makaraang pagkalooban ng Military honors sa Canopy ng General Headquarters.

Ang 63 bagong promote na star-rank officials ay pinangunahan Nina: Lt. Gen Arnel DelaVega, Commander ng Western Mindanao Command; Vice Admiral Gaudencio Collado, Deputy Chief of staff ng AFP; Lt Gen Macairog Alberto, Commanding General ng Phil Army; Lt Gen Ronnie Evangelista, Superintendent ng PMA.

Facebook Comments