Lanao del Sur – Kakaiba ang ginawang pagdiriwang ng mga kasundaluhan sa Araw ng Kagitingan kahapon sa munisipyo ng Madalum Lanao del Sur.
Ito ay sapagkat pinangunahan nila ang turn-over ng mga loose fire arms sa iba’t-ibang munisipalidad ng Lanao del Sur.
Ikinatuwa ni 1st infantry Tabak Division Commander Major General Roseller Murillo ang ginawang hakbang ng mga local chief executive at ng mga punong barangay sa sampung munisipyo ng Lanao del Sur dahil sa kagitingan nila sa pagpapaturn-over ng mga loose fire arms.
Umabot sa 163 na mga loose fire arms ang tinanggap ng mga sundalo galing sa nasabing mga munisipyo.
Ayon kay Murillo, sa ganitong hakbang posibleng mabawasan o bababa na ang krimen sa kanilang mga lugar.
Ang pag-turn over ng mga loose fire arms ay kampanya ng kasundaluhan sa pamamagitan ni Presidente Rodrigo Duterte.