Manila, Philippines – Idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte na ang Abril a dos (Lunes) bilang isang special (non-working) day sa mga lalawigan ng Bataan at Bulacan.
Ang deklarasyon ay ginawa ng Pangulong Duterte bilang pagkilala at pagpupugay sa ika dalawandaan at tatlumpu o 230th taon ng araw ng kapanganakan ni Francisco “Balagtas” Baltazar na kinilalang ” “Prominent Filipino Poet and Orator.”
Si Balagtas sang ayon sa mga tala sa kasaysayan ay isang dakila at maituturing na henyong “tagalog na manunulat na umibig at nakapag-asawa sa isang dalaga na naninirahan sa bayan ng Orion, Bataan na dating kilala noon bilang bayan ng “Udyong”.
Sa bayan ng Orion, Bataan nanirahan at napagyabong ni Balagtas ang kanyang ka-henyuhan sa larangan ng pagtula at naging dakilang makata hanggang sa kanyang pagpanaw noong 1862.
Ang deklarasyon ay ginawa ng Malacañang ang bilang bahagi ng respeto sa bayaning makata at upang mabigyan ang mga Bataeños sa pangunguna nina Governor Albert Garcia , Vice-Governor Kris Garcia at mga mamamayan ng pagkakataon na makiisa sa seremonya at pagdiriwang sa kaarawan ng dakilang makata ng lahing Pilipino si Francisco “Balagtas” Baltazar.
Samantala sa lalawigan ng Bulacan ay magsasagawa ng isang misa at pag aalay ng bulaklak sa bantayog ng tinaguriang prinsipe ng manunulang tagalog sa bayan ng Balagtas.