Pagbibigay sa LGUs ng halos lahat ng mga bakuna na binili ng private sector, pinuna ni Senator De Lima

Parang na-scam o naisahan ang mga pribadong kompanya na nagbayad ng doble para sa biniling COVID-19 vaccine para sa kanilang mga empleyado.

Sinabi ito ni Senator Leila De Lima makaraang mabatid na ang bakuna na binili at para sa mga pribadong kompanya ay inibinibigay ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga local government unit (LGU).

Ayon kay De Lima, dismayado ang mga pribadong kompanya dahil ang binayaran nila at dapat matanggap na libu-libong bakuna ay naging ilang dosena lang.


Giit ni De Lima, dapat hayaan ang pribadong sektor na makibahagi sa vaccination program ng gobyerno upang mas marami ang mabakunahan lalo na sa panig ng mga manggagawa na malaki ang maitutulong sa pagbangon ng ekonomiya.

Facebook Comments