Pagbibigay tulong ng pamahalaan, dapat ituloy habang unti-unting binubuksan ang ekonomiya

Ayon kay Senator Joel Villaneuva, ang paghina ng ating ekonomiya ay inaasahan dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na tanging paraan upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Bunsod nito ay iginiit ni Villanueva sa pamahalaan ang patuloy na pagpapatupad ng mga social support programs habang unti-unting binubuksan ang ekonomiya hanggang sa makapag-transition tayo sa new normal.

Paliwanag ni Villanueva, iba-iba ang economic resilience ng bawat isa sa atin kung saan dapat tulungan ang mga mamamayan na lugmok sa kahirapan.


Iminungkahi din ni Villanueva sa Gobyerno na maging handa sa pagsalo sa mga mawawalan ng hanapbuhay at trabaho dahil sa krisis.

Diin ni Villanueva, tanging mga mahahalagang sektor sa ating ekonomiya ang dapat buksan agad-agad na dapat may kaakibat na pagpaaptupad ng mahigpit na disease surveillance mechanisms.

Iginiit din ni Villanueva ang tuloy-tuloy na pagpapalawig ng ating healthcare system upang paghandaan ang muling pagdami ng kaso ng COVID-19.

Umaasa si Villanueva na sa mga nakalipas na buwan ay natutunan na sana natin na ang kapalpakan sa paghahanda ay paghanda sa kapahamakan.

Facebook Comments