Pagbibigay tulong sa mga local producer ng agriculture products, dapat tutukan ng pamahalaan

Dapat mas tutukan ng pamahalaan ang pagbibigay suporta sa lokal na produksyon ng agrikultra sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo So na hindi dapat pag-aangkat ng produkto ang laging gawing solusyon ng gobyerno.

Aniya, sa oras na dumagsa ang tulong sa mga local producer ay magbubunga ito ng mas maraming produkto na siyang tugon sa nararanasang kakulangan at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.


Facebook Comments