PAGBIBIGYAN KAYA? | Hirit ni Senadora De Lima na makadalo sa graduation ng bunsong anak, didinggin ngayon ng Korte

Manila, Philippines – Nakatakdang dinggin ngayon ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branches 205 at 206 ang hirit na furlough ng nakaditeng si Senadora Leila De Lima.

Ayon sa legal counsel ni De lima na si Atty. Boni Tacordon ganap na alas 830 ngauong umaga isasagawa ang pagdinig.

Asahan na ayon kay Tacordon ang pagsipot ng senadora sa pagdinig mamaya ng korte.


Kung maaalala May 15 nang maghain si De lima sa Muntinlupa City Regional Trial Court (MCRTC) ng urgent motion para payagan itong makadalo sa graduation ceremony ng kanyang bunsong anak.

Nabatid na magtatapos ng abugasya ang anak nitong si Vincent Joshua De Lima Bohol sa San Beda College, Alabang sa Hunyo A-3.

Ang nasabing Commencement Exercises, ay naka-schedule mula alas dos ng hapon hanggang alas siete ng gabi.

Sa mosyon ng senadora nais din nitong bigyan sya ng 2 hanggang 3 oras na allowance pagkatapos ng graduation upang magkaroon ng quality time kasama ang pamilya.

Facebook Comments