PAGBIBISIKLETA, ISINUSULONG GAWING ALTERNATIBONG SASAKYAN SA GITNA NG KRISIS SA TAYUG

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang hamon sa transportasyon, itinutulak ng lokal na pamahalaan ng Tayug ang pagbibisikleta bilang isang praktikal at makakalikasang alternatibong paraan ng pagbiyahe.

Ayon sa MDRRMO, mainam gumamit ng bisikleta bilang araw-araw na sasakyan lalo na sa maikling distansya dahil nakatutulong itong makabawas sa polusyon sa kapaligiran.

Bukod sa pagiging cost-efficient, binigyang-diin din ng lokal na pamahalaan na ang pagbibisikleta ay may benepisyo sa kalusugan bilang ehersisyo.

Hinihikayat ng mga opisyal ang publiko na isaalang-alang ang paggamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon, lalo na sa panahon ng krisis, upang makamit ang mas matipid at ligtas na pagbiyahe. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments