
Isinulong ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes na magbitiw sa pwesto ang sinumang opisyal ng gobyerno isang taon bago ito maghain ng Certificate of Candidacy (COC).
Saklaw din ng panukala ni Ordanes ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kawani ng Government-Owned and Controlled Corporations o GOCCs.
Ang hirit ni Ordanes ay nakapaloob sa inihain nitong House Bill 6246 na mag-aamyenda sa Section 66 ng Omnibus Election Code upang mapigilan ang paggamit sa posisyon ng isang appointive official para makalamang sa eleksyon.
Hangad ni Ordanes na maging patas ang bawat halalan kung saan mali na gamitin ang pwesto sa gobyerno at ang pondo ng taumbayan para sa makasariling ambisyong pampulitika.
Facebook Comments









