Pagbibitiw ng PSA Chief at pagsibak sa mga opisyal ng BSP Bidding Committee, hiniling ng isang kongresista kaugnay sa palpak na PhilSys National ID contract

Pinagbibitiw na ni Bukidnon Second District Representative Jonathan Keith Flores ang Director General ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Kasabay nito ay iginiit ni Flores sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Monetary Board na sibakin ang mga opisyal ng BSP bidding committee.

Pinapaimbestigahan din ito ni Flores sa BSP at Department of Justice (DOJ) upang matukoy kung sino ang dapat managot sa sablay na kontrata kaugnay sa PhilSys National ID.


Binigyang-diin ni Flores na hindi pwedeng walang makakasuhan sa korte sa napakalaking kapalpakan na ito at hindi rin dapat hayaan na makatakas sa responsibilidad ang mga maysala kasama ang mga padrino ng mga palpak na contractor.

Hindi na ikinagulat ni Flores ang kanselasyon ng nasabing kontrata dahil noon pa nya pinupuna ang implementasyon nito pero nagmamatigas aniya ang PSA, Department of Finance, at BSP.

Facebook Comments