Pagbibitiw ni Augustus de Villa, iginagalang ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales

63

Nirerespeto ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at CEO Ricardo Morales ang resignation ng isa nilang opisyal na si Augustus de Villa.


Sa virtual briefing ng PhilHealth, kinumpirma ni Morales na natanggap niya ang resignation ni de Villa kaninang umaga.

Idinahilan aniya ni de Villa na gusto nito ng dagdag na oras para sa kaniyang pamilya.

Inamin din ni Morales na hindi madaling patakbuhin ang PhilHealth lalo na sa panahong ito.

Katunayan, nalaspag aniya sila sa Senate inquiry na tumagal ng sampung oras.

Sa tanong naman kung apektado ba sila ng resignation ni de Villa, sinabi ni Morales na may Business Continuity Plan naman ang PhilHealth.

Samantala, ipinagmalaki ni Morales na sapat ang pondo para sa benefit claims para ngayong taon at sa taong 2021.




Facebook Comments