Pagbibitiw ni DOH Secretary Francisco Duque, ipinanawagan ng iba’t-ibang grupo kasabay ng paggunita ng National Heroes Day

262

Hindi naman nakaligtas si Health Secretary Francisco Duque sa batikos sa isinagawang pagbibigay pugay ng iba’t-ibang grupo sa mga health workers sa Bantayog ng mga Bayani kasabay ng paggunita ng National Heroes Day.

Ayon sa mga militanteng health workers, nagtataka sila kung bakit sa kabila ng mga kapalpakan ay hindi pa rin sinisibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Duque.


Anila, kaya dumami ang nasawing medical doctors ay dahil sa hindi maayos na sistema ng Department of Health (DOH) secretary.

Hiling nila sa gobyerno, mas marami pang mass testing, tracing at dagdag na pondo at benepisyo sa mga medical workers para maihatid ang epektibong istilo ng serbisyo sa mamamayan.

Facebook Comments