Pagbibitiw ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, tinanggap na ni PBBM; Atty. Francis Saturnino Juan, itinalagang bagong pinuno ng komisyon

Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbibitiw ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Monalisa Dimalanta.

Ayon sa Palace Press Officer Claire Casto, babalik na sa pribadong sektor si Dimalanta matapos ang kaniyang tungkulin sa ahensya.

Nagpapasalamat naman si PBBM sa paglilingkod ni Dimalanta sa gobyerno.

Kasunod nito ay nagtalaga naman ang pangulo ng kapalit ni Dimalanta sa katauhan ni Atty. Francis Saturnino Juan.

Si Juan ay kilalang dalubhasa sa environmental laws, climate change at regulatory frameworks.

Itinalaga rin sina Atty. Amante Liberato at Atty. Paris Leal bilang bagong ERC Commissioners.

Epektibo ang pagpapalit ng liderato sa ERC sa August 8, 2025.

Facebook Comments