Pagbibitiw ni NBI Director Jaime Santiago, kinumpirma ng Palasyo

Kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na nagbitiw na sa puwesto si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago.

Batay sa kaniyang sulat, irrevocable resignation ang inihain ni Santiago kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Santiago, sa paninira sa kaniyang reputasyon na nagsimula noong Mayo matapos magsumite ng courtesy resignation sa Pangulo.

Hiniling ni Santiago na maging epektibo ang kanyang pagbibitiw sa oras na maitalaga ang kanyang kapalit, upang matiyak na hindi maaantala ang operasyon ng ahensya.

Samantala, wala pang impormasyon kung natanggap na ng pangulo ang resignation letter ni Santiago.

Facebook Comments