Pagbibitiw ni NBI Director Jaime Santiago, tinanggap na ni PBBM

Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago.

Matatandaang naghain ng irrevocable resignation si Santiago dahil sa umano’y sadyang paninira sa kaniyang reputasyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t hindi na nagkausap si Santiago at si Pangulong Marcos matapos maghain ng resignation, ay for acceptance na ito ng pangulo.

Pagtitiyak ni Castro, hindi naman aniya nito maapektuhan ang mga kasong hawak ng NBI lalo na ang imbestigasyon sa missing sabungero dahil marami pang indibidwal ang may kredibilidad at mapagkakatiwalaan sa NBI.

Pero sa ngayon ay wala pang hawak na shortlist ang Palasyo kung sino ang posibleng pumalit sa nabakanteng pwesto ni Santiago.

Facebook Comments