Pagbibitiw ni Parlade bilang tagapagsalita ng NTF-ELCAC, tinanggap na ni Pangulong Duterte

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, kinumpirma niya ito sa pamamagitan ni Department of Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana.

Si Parlade ay malapit nang magretiro sa military service sa July 26.


Naging kontrobersyal si Parlade dahil sa pag-red-tag nito sa ilang personalidad at pag-uugnay sa kanila sa mga komunistang rebelde.

Facebook Comments