Manila, Philippines – Itinuturing na isang malaking kawalan ang pagbibitiw ni Usec. Cesar Chavez sa Department of Transportation.
Ito ang reaksyon ng grupong Bagong Alyansang Makabayan makaraang maghain ng irrevocable resignation kanina si Usec Chavez sa kabila ng kaliwa’t kanang aberya at problema na nararanasan halos araw araw ng MRT.
Ayon kay BAYAN Sec Gen Renato Reyes, nagulat sila sa resignation ni Chavez dahil consistent aniya ito sa pag expose o paglantad ng mga anumalya sa mga nakalipas na kontrata ng pamunuan ng MRT at DOTC.
Nalulungkot din aniya sila sa pagbibitiw ni Chavez dahil kaisa ito para mapaganda ang serbisyo ng MRT na tinatangkilik ng daang libo nating mga kababayan bawat araw.
Pero, malaking tanong ngayon para kay Reyes kung bakit ito nagbitiw.
Tantya nito, posibleng indikasyon ng conflict o alitan sa loob ng departamento ang tunay na rason kung bakit nagbitiw ang nasabing opisyal.