Pagbibitiw ni Usec. Chavez sa DOTr, posibleng makadagdag sa problema sa MRT

Manila, Philippines – Inaasahan na ni Senator JV Ejercito ang posibilidad na magdulot ng delay at problema ang magaganap na transition sa Dept. of Transportation o DOTr dahil sa ginawang pagbibitiw ni Undersecretary for Railways Cesar Chavez.

Ikinalungkot ni Ejercito ang pagbibitiw ni Usec. Chavez lalo pa’t ito ay isa sa mga opsiyal ng DOTr na determinado sa trabaho at nakatutok sa railways projects.

Ikinatwiran ni Ejercito na alam na ni Usec Chavez ang mga problema at kailangan gawin sa Metro Rail Transit o MRT.


Punto ni Ejercito, maaring back to zero na naman para sa sinumang maitatalaga kapalit ni Chavez dahil kakailanganin pa nito ng sapat na panahon para pag aralan ang problema sa operasyon MRT.

“That is sad because Usec. Chavez is one of the more passionate DOTr officials especially on railway projects.
Maaring back to zero nanaman sino man ma-appoint at least kay Usec. Chavez alam niya na by now mga problema at kailangan gawin. I expect delays and more problems as whoever the new officer in charge needs time to be acquainted and to know the problems” pahayag ni Sen. Ejercito.

Facebook Comments