Pagbibitiw ni VP Sara sa gabinete, inaasahan na – SP Escudero

Naniniwala si Senate President (SP) Chiz Escudero na hindi maiiwasan ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte sa gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay Escudero, iginagalang niya ang naging desisyon ni VP Duterte at hangad niya ang kabutihan dito.

This slideshow requires JavaScript.


Magkagayunman, naniniwala si Escudero na ang pagbibitiw ni Duterte ay inaasahan na mula nang ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang mga kapatid at kaalyado ay sinimulang atakihin si Pangulong Marcos at ang first family.

Hindi rin aniya maitatanggi ito mula nang manahimik at hindi magpahayag ng suporta si VP Duterte sa ilang mga policy issues ng gobyerno kabilang ang West Philippine Sea, Bagong Pilipinas Hymn, kaso ni Pastor Apollo Quiboloy at pagtangkang pag-aresto rito.

Sinabi ni Escudero na bilang bise presidente ng bansa ay may karapatan si Duterte na magkaroon ng magkaibang polisiya sa pangulo at ito aniya ang dahilan kung kaya’t minamahal at nirerespeto siya ng mga tao.

Facebook Comments