Pagbibitiw sa pwesto ni DOH Sec. Duque, hindi tatanggapin ni Pangulong Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi niya pagtanggap sa bantang pagbibitiw sa pwesto ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Pangulong Duterte sa Talk to the Nation nito kagabi, hindi niya susuportahan sa ikalawang pagkakataon ang bantang pagre-resign ng kalihim.

Iginiit naman ng pangulo na walang kinalaman si Duque sa P67 billion COVID-19 response funds na nakitaan ng deficiency ng Commission on Audit (COA).


Noong nakaraang linggo, matatandaang sinita ng COA ang ilang transaksyon sa loob ng DOH na ang ilan ay tinawag nitong “excessive.”

Facebook Comments