Pagbibitiw sa pwesto ni SRA BM Alba, tinanggap na ni ES Bersamin ayon sa Malacañang

Tinanggap na ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pagbibitiw sa pwesto ni Sugar Regulatory Administration (SRA) David John Thaddeus Alba.

Ito ang kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO).

Batay sa kanilang official statement, binisita raw ni Administrator Alba si Executive Secretary Bersamin nitong nakalipas na araw ng Miyerkules para ipaalam na siya ay magbibitiw na sa pwesto.


Hinikayat pa raw ito ni ES na huwag ituloy ang kanyang pagbibitiw sa pwesto pero dahil sa lumalalang health condition nito ay tinanggap na ito ni Bersamin.

Batay naman sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., epektibo ang resignation ni Alba sa April 15 habang naghahanap pa ang pangulo nang ipapalit sa kanyang pwesto.

Una nang umugong ang mga balitang nagbitiw sa pwesto si Alba dahil sa umano’y kontrobersyal na importasyon na 440,000 metric tons ng asukal.

Si Alba ay itinalaga ni Pangulong Marcos sa pwesto noong August 2022 matapos ang pagbibitiw sa pwesto ni SRA Administrator Hermenegildo Serafica na bumaba rin sa pwesto dahil sa isyu na naman sa importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.

Facebook Comments