Pagbigat ng daloy ng trapiko malapit sa UP-BGC Campus sa Taguig, asahan na

Inaabisuhan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang ilang mga motorista na asahan na ang masikip na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada malapit sa University of the Philippines o UP-BGC Campus sa Taguig City.

Ito’y dahil sa pagsisimula ng bar examinations 2022 na gaganapin sa nasabing unibersidad.

Base sa abiso, asahan ang mabagal at mabigat na daloy ng trapiko sa University Parkway partikular sa 32nd Avenue at 34th Drive bukas, Pebrero 4 at sa linggo, Pebrero 6.


Ito ay mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-8 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Nabatid na walang planong isagawang anumang road closure o rerouting sa may bahagi ng BGC at sa bisinidad ng UP Campus.

Pero magkaganoon pa man, inaabisuhan ng Taguig City Local Government Unit ang mga motorista na dumaan na lamang sa ilang alternatibong kalsada upang hindi maantala ang pagpasok sa trabaho o kaya ang kanilang pagbiyahe.

Facebook Comments