Araw na ngayon ng bisperas ng kapaskuhan, ramdam na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga kakalsadahan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay dahil sa dami na rin ng mga taong lumalabas upang maghanda sa pagdiriwang sa selebrasyon ng kapaskuhan maging ng mga taong sinasamantala ang Panama’sıyla sa mga atraksyon sa probinsya.
Dahil sa bigat ng trapiko nagkakaroon na ng traffic congestion o mga bumper to bumper na mga sasakyan gaya na lamang sa Dagupan City at ilang karatig bayan nito.
Nagiging mabigat ang daloy ng trapiko sa pagsapit ng gabi at sa mga oras ng 9 umaga hanggang alas 12 ng tanghali.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang motorista ay nagreresulta sa kanila ang pagkaantala sa kanilang pag-uwi dahil naiipit ang mga ito sa tindi ng traffic.
Paalala naman ng mga awtoridad na magbaon ng maraming pasensiya dahil panahon ng rush hour ngayong kapaskuhan. | ifmnews
Facebook Comments