PAGBIGAT NG TRAPIKO SA PAITAN WEST, SUAL, INAASAHAN DAHIL SA KONSTRUKSYON SA TULAY

Inaasahang makararanas ng pagbigat ng daloy ng trapiko ang mga motorista sa Barangay Paitan West, Sual, Pangasinan sa Sabado, Enero 17, 2026, dahil sa isasagawang tanggaling girder sa Paitan Bridge.

Batay sa abiso, ipatutupad ang pansamantalang traffic control at rerouting mula alas-nuebe ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon upang bigyang-daan ang ligtas na pag-aalis ng mga girder ng tulay.

Sa naturang oras, pansamantalang ihihinto at kokontrolin ang daloy ng mga sasakyan sa apektadong bahagi ng kalsada.

Layunin ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng mga motorista, pedestrian, at mga manggagawang kasama sa proyekto, na isinasagawa sa ilalim ng pangangasiwa at monitoring ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ang publiko na maglaan ng karagdagang oras sa biyahe, sumunod sa mga traffic advisory at tagubilin ng mga awtoridad, at umiwas muna sa nasabing lugar kung hindi kinakailangang dumaan.

Inaasahang ibabalik sa normal ang daloy ng trapiko matapos makumpleto ang gawain sa itinakdang oras.

Facebook Comments