Pagbigay ng 2nd dose ng Sinovac sa Mandaluyong, umarangkada na

Nagsimula na ang pagbibigay ng 2nd dose ng Sinovac Vaccine sa Pedro P. Cruz Elementary School sa lungsod ng Mandaluyong.

Ayon kay Dr. Cesar Tutaan, member ng Mandaluyong Vaccination Team, ang mga babakunahan ay ang nasa priority group na A1 o medical frontliners, A2 o senior citizens at A3 o persons with comorbidities na tinurukang ng Sinovac noong April 13.

Wala aniyang pagbabago sa proseso maliban sa pagkuha ng larawan ng magpapabakuna dahil aniya gagamitin ito para sa uniform vaccination card.


Pero kailangan aniya na dalhin ng magpapabakuna ang kanilang vaccination card para katunayan na tapos na sila sa 1st dose ng Sinovac at ID para sa verification.

Ang target aniya mabakunahan ngayong araw ay 500 hanggang 700 indibidwal na makatatanggap din ng text message mula sa Mandaluyong Public Information Office bilang confirmation text ng kanilang schedule para sa 2nd dose ng COVID-19 vaccine.

Nagsimula ang bakunahan pasado alas-9:00 kaninang umaga at tatagal ito hanggang alas-3:00 mamayang hapon.

Maliban sa Pedro P. Cruz Elementray School, nagsasagawa rin ngayong araw ng bakunahan ng 2nd dose ng Sinovac sa Hulo Integrated School, Isaac Lopez Integrated School at Andres Bonifacio Integrated School.

Facebook Comments