Pagbigay ng ayuda sa mga pamilya na nasa granular lockdown, magtuloy-tuloy pa ngayong taon ayon sa DSWD

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng emergency subsidy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya na nasa granular lockdown.

Ang ayuda ay ipinagkakaloob sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act.

Ayon sa ulat ng DSWD, hanggang ika-1 ng Enero, posibleng umabot sa 260 milyong piso ang maipamahagi sa 40,037 pamilyang benepisyaryo.


Nasa higit P1.7 bilyon naman ang maipapamahagi sa 251,776 na karagdagang Benepisyaryo.

Sa ngayon, tiniyak ng DSWD na mas lalo pa nilang paiigtingin ang pagpapatupad ng programa para sa mga nangangailangan.

Facebook Comments