Pagbigay ng emergency validation ng WHO sa COVID-19 vaccine ng Pfizer, welcome para kay Duque

Welcome para kay Health Secretary Francisco Duque III ang desisyon ng World Health Organization (WHO) na ilista ang COVID-19 vaccine ng Pfizer para sa emergency use.

Ayon kay Duque, mas mapapabilis nito ang approval process ng Pilipinas sa paggamit ng naturang bakuna.

Mas magiging madali rin aniya ang trabaho ng Food and Drug Administration (FDA) sa pagsusuri ng mga dokumento na kinakailangan dahil aprubado na ito ng WHO.


Matatandaang inihayag ng Pfizer at BioNtech na nasa 95% ang efficacy rate ng kanilang bakuna kung saan inaprubahan ang emergency use nito sa Estados Unidos at United Kingdom.

Sa ngayon, ang Pfizer pa lamang ang naghain ng aplikasyon para sa emergency use ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Facebook Comments