Pagbigay ng Permit sa Chainsaw, Dapat Busisihin-PENRO Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Binalaan ni Ginoong Marlon Agnar, Provincial Environment and Natural Resources Officer ang mga CENRO officer na busisihing mabuti ang pagbibigay ng permit sa chain saw para sa pinaigting na kampanya sa illegal logging.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Agnar ay kanyang sinabi na dapat mapanuri at mabusisi sa pagbibigay ng permit sa mga aplikante na nagmamay-ari ng chainsaw.

Maari lamang aniya na mabigyan ng permit ang mga plantasyon ng punong kahoy na mayroong kaukulang dokumento mula sa tanggapan ng DENR, Local Government Unit o LGU’s at Department of Public Works and Highways o DPWH dahil kailangan rin aniya ang mga ito sa panahon ng kalamidad.


Ayon kay Felix Ganapin, CENRO Officer ng San Isidro, Isabela ay mahigpit ang kanilang pagpapatupad at pag-isyu ng permit sa kanilang mga aplikante.

Base na rin sa pinaiiral na batas na R.A 9175 o Chainsaw Act of 2002 ay maaring makulong at masampahan ng kaso ang sino man na lalabag sa naturang batas o hindi tamang paggamit sa naturang equipment.

Facebook Comments