Pagbigay prayoridad sa Smoke-Free Law, hiniling sa bagong administrasyon ng isang advocate group

Umapela na kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Philippine Smoke-Free Movement (PSFM) na gawing prayoridad ang usapin sa “smoke-free policies” sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Kasabay rin nito ang panawagan sa 19th Congress na gawing prayoridad ang pagpasa at pagsasabatas ng isang komprehensibong Smoke-Free Environment Law.

Ayon kay PSFM National Coordinator Xavier Peredo, may kahalintulad nang panukala ang naihain sa outgoing Congress na po-protekta sa mamamayan laban sa usok ng sigarilyo sa gitna ng pandemya.


Tiniyak ng advocate group na handa silang makipag-tulungan sa bagong administrasyon ukol dito.

Nakiisa rin sa panawagan ng PSFM ang iba pang people’s organization na matagal na ring nangamgampanya para sa smoke-free na mga komunidad at paaralan.

Facebook Comments