Pagbigti sa mga death convicts sa Fort Bonifacio, iminungkahi ni Pangulong Duterte na paraan ng pagbitay sakaling maisabatas na ang death penalty

Iminungkahi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung sakaling matuloy ang pagsasabatas ng parusang kamatayan ay nais nitong gawin ang pagpatay sa mga death convicts sa pamamagitan ng pagbigti sa Fort Bonifacio.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, wala sa mga naging lider ng bansa ang naglakas loob na ipatupad ang parusang kamatayan sa mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen.

 

Aniya, kapag natuloy ito ay gagawin niyang parang mga kurtina sa sampayan ang pagbibigti sa mga kriminal ng bansa.

 

Ayon sa datos, noong unang binuhay ang parusang kamatayan ay nasa 686 na kaso lamang ng heinous crimes ang naitala ngunit nang inalis ito sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo ay lumobo ito sa 6,000 na kaso.

 

Nagpapatunay umano ito na walang respeto ang mga kriminal sa batas kaya dapat na tapatan sila ng parusang kamatayan.

 

Noong Miyerkules ng gabi ay nakalusot na sa second reading ng kamara ang death penalty bill at inaasahang sa papasok na linggo ay matatapos na ang deliberasyon nito.

Facebook Comments