Pagbili at pagtuturok ng bakuna, dapat bilisan sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa

Umaasa si Senator Grace Poe na mas bibilisan pa ng pamahalaan ang pagproseso sa mga donasyong bakuna, gayundin ang negosasyon sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

Giit ni Poe, kailangang maging mas mabilis ang vaccine rollout kumpara sa pagkalat ng virus.

Ayon kay Poe, isang hamon ngayon na agad mabigyan ng ligtas at epektibong bakuna ang mga Pilipino para mapigil ang pagkalat ng COVID-19 at mapatatag ang ekonomiya.


Hindi naman naitago ni Senator Risa Hontiveros ang pagkaumay sa aniya’y “wait and see” attitude ng ating health authorities kahit lalong tumataas ang COVID-19 cases.

Diin ni Hontiveros, kulang pa ang bakuna para maprotektahan ang lahat laban sa COVID-19.

Pinuna rin ni Hontiveros na kahit may bagong variant ng COVID-19, ay tila business as usual pa rin umano ang pagtugon ng gobyerno kaya publiko ang nag-a-adjust.

Facebook Comments