Maaantala ang pagabili ng Philippine National Police o PNP ng mga body cameras para sa mga pulis.
Sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde, may pondo na sila pero ang problema ay walang pumasa sa mga suppliers sa technical requirements ng PNP.
Sa dami aniya ng supplier na nagprisinta ng kanilang produkto, walo lang ang nakapasa sa initial screening.
Ngunit ang lahat naman ang mga ito aniya ay bumagsak naman sa testing ng equipment dahil sa iba’t-ibang dahilan.
Requirement kasi ng PNP na ang body cameras ay may live-feed function, waterproof at shock-proof.
Kaya sa ngayon ay naghihintay pa rin ang PNP ng mga kwalipikadong supplier.
Facebook Comments