Dapat nang umpisahan ng gobyerno at mga pribadong sektor ang paghahanda para sa pagbili ng booster shots ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Presidential adviser for entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion, bagama’t hindi pa naaabot ng bansa ang herd immunity, mas mabuting gumawa na ng plano ang gobyerno para sa pagbili ng mga booster shots.
Malaking tulong aniya ito para mabilis na maibalik sa normal na estado ang bansa.
Samantala kahapon, sinabi ng World Health Organization (WHO) na hindi nila inirerekomenda ang paggamit ng booster shots.
Sinuportahan naman ito ni Western Pacific Region Office coordinator for essential medicines and health technologies Socorro Escalante at sinabing ilang pag-aaral na ang ginagawa para malaman kung kailangan ng booster shots ng isang indibidwal.