Hindi na muna itinuloy ng pamahalaan ang pagbili ng BrahMos Cruise Missile sa bansang India.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang BrahMos Cruise Missile ay sophisticated cruise missile sa buong mundo ngunit dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic ay nawalan ng pondo para sa pagbili nito ang gobyerno.
Inuuna muna aniya ng gobyerno ngayon ang pondo para sa COVID-19 response.
Sa ngayon, sinabi ni Lorenzana na nag-iisip pa ang Pangulong Rodrigo Duterte kung mangungutang pambili ng BrahMos Cruise Missile ngunit iniisip naman nito na baka mabatikos nang susunod na Presidente dahil mamanahin nito ang pagkakautang.
Nilinaw naman ni Lorenzana na ang planong pagbili ng BrahMos ay para sa offensive at hindi defensive way ng Armed Forces of the Philippines (AFP).