Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) na kailangan ng reseta ng doktor kapag bibili ng Chinese Traditional Medicine na Lian Hua Qing Weng mula sa mga rehistradong botika.
Nabatid na inaprubahan ng FDA ang nasabing gamot bilang lunas sa mga mayroong lung toxins.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, mahalagang may prescription mula sa doktor dahil mas alam nila kung bagay ang gamot sa pasyente at kung paano ito gagamitin.
Nilinaw rin ni Domingo na hindi inaprubahan ang gamot para gamitin sa mga pasyenteng may COVID-19 sa bansa.
Nagbabala ang FDA sa negatibong epekto na posibleng makuha ng iinom nito.
Ang Philippine College of Physicians (PCP) ay magsasagawa ng pag-aaral hinggil dito.
Facebook Comments