Pagbili ng COVID-19 vaccine, dapat gawin ng DOH at hindi ng PITC

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na katungkulan ng Department of Health (DOH) ang paghahanap at pagbili ng COVID-19 vaccine.

Diin ni Recto, hindi ito trabaho ng Philippine International Trading Corporation (PITC) na isang government owned and controlled corporation sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).

Katwiran pa ni Recto, makupad magtrabaho ang PITC kaya delikadong matagalan din ang pagbili nito ng bakuna laban sa COVID-19.


Dahil dito ay pinayuhan ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ang gobyerno na pag-aralang mabuti ang plano na ipasakamay ng PITC ang pagbili ng COVID-19 vaccines.

Maging si Senate Minority Leader Franklin Drilon ay nangangamba rin sa kakayahan ng PITC na mag-procure ng 20-billion pesos na halaga ng COVID-19 vaccines, lalo na’t kailangan nang madaliin at efficient na pagbili ng bakuna.

Facebook Comments