Pagbili ng COVID-19 vaccine ng LGU, patuloy na naaantala dahil sa hindi pa rin nilalagdaang tripartite agreement

Pinapaimbestigahan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pagkaantala sa pagbili ng COVID-19 vaccine ng mga Local Government Unit (LGU) at pribadong sektor.

Ayon kay Zubiri, ito ay dahil sa nakabinbin pa rin sa panig ng national government at hindi pa rin pinipirmahang tripartite o multiparty agreement para sa pagbili ng bakuna.

Ayon kay Zubiri, may nakahanda ng pondo ang LGUs pati ang pribadong sektor at ang bibilhin nilang mga bakuna ay makakatulong para mapabilis ang pagbabakuna at makamit ng bansa ang herd immunity lalo ngayong tumitindi na naman ang pagkalat ng virus.


Dahil dito ay umaapela si Zubiri sa Inter-Agency Task Force (IATF) na agad i-release ang multiparty agreement na nakabinbin sa National Task Force Against COVID-19 at Department of Health (DOH).

Facebook Comments