Nilagdaan na nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Brahmos Aerospace Director General Atul Dinkar Rane ang kasunduan sa pagbili ng anti-ship missile na nagkakahalaga ng P18.9 billion.
Dumalo sa sa aktibidad si Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran.
Ayon kay Lorenzana, una nang na-konsepto ang proyekto noong 2017 kung saan kukuha ang Pilipinas ng tatlong batteries.
Sinabi ng kalihim na ang pagkakaroon ng nasabing shore-based anti-ship missile ng Philippine Navy ay importante sa pagprotekta sa teritoryo at pambansang interes ng bansa.
Naniniwala ang kalihim na mapipigilan ng Brahmos bilang “world’s fastest supersonic cruise missile” ang anumang pagtatangka sa soberanya ng bansa, lalo na sa West Philippine Sea.
Facebook Comments